Stop & Go….
habang pauwi na kami galing Iloilo ni mama…umuulan nun mula umaga hanggang gabi…mula Iloilo hanggang sa Roxas…..maputik yung ibang daan kasi alam nyo na marami na namang inaayos na kalsada…hmp….pero whats caught my attention is that sa isang kalsada na inaayos…may mga batang nagpapabasa sa ulan di para maglaro pero dahil sila yung nagsesenyas kung pwede nang dumaan since one way lang sya…marami sila siguro mga 10-15 at mga 7-15 yung mga edad…nung papunta palang kami ng Iloilo nakita ko na sila pero di ko nun napansin na may ginagawa pa silang iba…..nung pabalik ko na napansin na yung iba sa kanila may mga hawak na parang baso di sya lata….nanghihingi sila ng barya kapalit ng pagsesenyas nila para makadaan yung sasakyan….parang nalungkot ako bigla kasi naisip ko na ang swerte ko kasi di ko naranasan ang magpaulan para lang kumita ng barya….nagpapaulan kami pero para maligo at maglaro….pero sila…haiz….alam mo yung gusto mong magbigay pero wala ka namang mabibigay…..kakalungkot talaga isipin yang mga ganyang bagay….ito yung totoong problema talaga natin na hindi masolusyunan ng gobyerno natin…..bulag-bulagan kasi…..di ko alam kung gusto nilang gawin yun o pinipilit sila ng magulang nila…..haiz….kaya tayong naka luwag-luwag sa buhay wag nating sayangin yung hirap ng mga magulang natin….yung opportunity na maka pag aral, magkaroon ng bagay na wala sila…tapos minsan nagrereklamo pa tayo di man lang natin na appreciate ang hirap ng mga magulang natin……sila nga nagpapabasa sa ulan sa konting barya…..pero ang isang napansin ko pa…..nakangiti pa sila….di mo makita sa mukha nila na nilalamig sila or ano….parang nag eenjoy sila……kaya maswerte talaga tayo….
